HATOL: Maling Paghatol sa Isang Ordinaryong Tao
Dahil sa pag-usbong ng mga bagong platform sa maraming larangan, hindi maiiwasang magkaroon ng katapat sa ibang bagay na kadalasang nakasanayan na nating malaman. Dahil sa mga bagong bagay na ito, nagkakaroon ng panibagong bihis, at itsura ang ibang bagay. Hindi naman talaga ang teknolohiya ang nagbibihis dito, katulong lamang ito pero ang tao talaga ang nagiging dahilan upang magbago ang mga ito. Maaaring maganda ang maging epekto nito sa karamihan sa atin lalo na sa paggamit ng social media upang maging konektado sa mga nangyayari sa paligid natin. Pero hindi lahat ng bagay na nagbabago o umuusbong ay tama, at maganda para satin lalo na't kapag nababago ang sistemang dapat ay hindi na nababago o binabagong anyo dahil ito ay nakasaad na sa batas o/at hindi na kailanman matatanggal.
Tulad na lamang ng umusbong na isyu tungkol sa isang guro na pinalabas ang kaniyang estudyante dahil di umano sa hindi nito pagdala sa card sa klase, na siya namang nagtulak sa pamilya nito na ireklamo at bigyang aksyon ang naging epekto nito sa bata. Ngunit, makakatiyak ba na nasagawang kilos ba ay tama, kung kung hindi naman ito inilapit sa mas maayos na paraan, o "due process" kung tawagin, at sa isang programa lamang sa telebisyon na pinamagatang "Tulfo in Action" ito inireklamo. Habang kasagsagan ng programa at sa interbyu, sinabi ni Raffy Tulfo na tatanggalan di umano ang guro ng lisensya sa pagtuturo dahil sa traumang binigay at naranasan ng kaniyang estudyante. Dahil lamang sa isang simpleng programa na umusbong sa telebisyon at matatanggalan na ng lisensya ang isang guro na magturo na hindi dumadaan sa tamang proseso. Naging batayan ang isang midya upang magdesisyon ang isang tao na tanggalan ito ang lisensya. Ayon nga sa saligang batas, ang lahat ng ganitong klaseng bagay ay dumaraan sa tamang proseso o may tinatawag na "due process" bago ito ganap na matanggalan ng lisensya at ikulong. Ito ay para mapatunayan ang ilang bagay na kailangang pagtuunan bago humantong sa huling hatol. Ngunit dahil sa makabagong anyo ng midya, at sa pag-usbong ng mga bagong kaparaanan, hindi nabigyan nang maayos na hatol ang guro.
Pakatatandaan na may mga batas tayo na umusbong sa bansa bago pa man magkaroon o umunlad ang estado ng teknolohiya sa bansa. Ito ang nagsilbing gabay o hantungan ng mga tao upang maging maayos at legal ang mga bagay na kadalasang kadikit ang bansa sa mga isyung ito. Ngunit dahil sa pagkakaroon ng malawakang pagbabago sa ilang bagay dahil sa midya, nagkakaroon ng bagong imahe na siyang nagiging ilegal dahil hindi dumaan sa tamang proseso. Naway wag sana itong gawing lunsaran upang maging maayos at wag sana itong maging entablado upang gamitin sa pagbuo ng desisyon lalo na't isang mahalagang bagay sa isang guro ang mawalan ng lisensya lalo na't kung pinaghirapan ito bago makuha.
Huwag magpabulag sa bagong sistema ng teknolohiya at globalisasyon. Maaaring makatulong sila pero kung hindi gagamitin ang maayos na proseso sa bansa, hindi uunlad at hindi ito nakakabuti sa para sa karamihan.
Comments
Post a Comment