K TO 12: TAMA BA O ISANG KAMALIAN?


Maituturing na isang magandang halimbawa ng asensadong bansa ay ang pagkakaroon nito ng bagong sistema sa iba’t-ibang aspekto. Halimbawa na rito ay ang pagbabago sa kurikulum sa sistema ng edukasyon. Dito na umusbong ang K to 12 program na kamakailan lamang inilatag sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ito ay ang panibagong sistema ng edukasyon sa bansa kung saan may karagdagan na dalawang taon na ilalagay pagkatapos ng High School at tatawagin itong Senior High School na naglalayon na mas palawakin pa ang ideya ng mga estudyante sa kukuning kurso sa kolehiyo upang mas makapili ang mga estudyante ng tamang kurso na sa tingin nila ay doon sila babagay at uusad sa buhay.



Bilang isa sa mga estudyanteng naabutan ng ganitong kurikulum, maraming adjustment o kailangan pang baguhin upang makasunod sa dapat na layunin ng bagong kurikulum. Isa na dito ay ang panibagong aralin na ang dapat ay sa koleehiyo ito itinuturo ngunit ibinaba ito sa Senior High. Marami ring nabago lalo mula sa Kinder hanggang Grade 12. Base sa aking karanasan, marapat lang na kailangan pa itong irepaso o irebisa dahil may mga kamalian ito lalo na sa mga guro ng Senior High, sapagkat walang sapat na preparasyon at training ang mga guro sa kung ano ang nakaabang at dapat nila ituro. Bilang isang magiging guro sa hinaharap, dapat nila baguhin ito at dapat nakaayon ito sa kung ano ang kayang gawin ng isang guro na may sapat na pagsasanay at kaalaman. Hindi pwedeng walang sapat na kakayahan ang isang guro lalo na sa bagong kurikulum dahil hindi magiging maayos ang pagtuturo at pagkatuto ng isang mag-aaral. Hindi rin pwede na basta nalang ibagsak sa guro ang mga gawaing hindi nakasanayan at walang sapat na preparasyon dahil hindi magiging maayos ang takbo ng isang klase o nang buong sistema ng edukasyon.



Siguro ang isa kong nakikitang solusyon upang maging maayos ang pagkakalatag ng bagong kurikulum sa bansa ay ang pagkakaroon ng mga pagsasanay sa mga guro at popondohan ito ng gobyerno na turuan sila at sanayin sa mga bagong kaparaanan sa loob ng bagong kurikulum, kasi iyon ang isa sa mga nakikita kong mal isa K to 12, ang hindi maayos at hindi planadong pag-iimplementa ng bagong kurikulum na ito. Bilang isang mag-aaral at magiging guro sa hinaharap, ang maipapayo  ko lamang sa gobyerno ngayon ay ang pag-igtingin pa at bigyan ng atensyon ang mga guro sa pagkakaroon ng mga libreng pagsasanay para dito at magkaroon ng maayos at planadong paglalatag ng bagong kurikulum. Maganda ang hangarin at layunin ng K to 12 Curriculum, ang hindi lang maganda dito ay ang paglalagay nito sa konteksto ng ating bansa na hindi pa napaghahandaan ang ganitong bagay. Dapat sana ay mas naging bukas ang gobyerno sa hinaing ng publiko bago sila maglagay ng panibagong sistema nang sa gayon ay mapaghandaan ito ng lahat dahil may hindi magandang epekto ito sa mga mag-aaral at guro lalong lalo na ang mga nasa kagawaran ng edukasyon.

Comments

Popular posts from this blog

HATOL: Maling Paghatol sa Isang Ordinaryong Tao

Kaliwa Dam: Dahilan Para Mawala ang Tanging Yaman ng Bansa