Kaliwa Dam: Dahilan Para Mawala ang Tanging Yaman ng Bansa


Kilala ang bansang Pilipinas dahil sa mga prestilheyosong mga lugar at mga tangiang ng likas yaman na tanging sa Pilipinas mo lamang makikita. Dahil sa pagtuklas ng mga ito sa ating bansa, pinapahalagahan ito ng karamihan sa ating mga kababayan nang sa gayon ay maabuutan ito ng mga susunod na henerasyon at makita nila kung gaano kayaman ang ating bansa at maipagmalaki sa iba ang tanging yaman ng bansa. Natural na tulungan ito ng ating gobyerno sa pagpapanatili at sa pagsasaayos ng mga ito para tumagal pero paano kung ang sarili nating gobyerno ang gumagawa ng dahilan at hakbang upang mawala at masira ito? Paano natin mapapahalagahan ito kung hindi marunong makinig ang demokrasyang gobyerno sa hinaing ng mga taong nasasakupan nito?



Tayo ay nasa siglo na kung saan umuusbong na ang mga makabagong bagay  sa mundo at nagkakaroon ng mga pagbabago upang makasabay tayo sa agos ng mundo patungong modernisasyon. Pero dahil sa modernisasyon na ito maraming kailangang baguhin at alisin. Ito ang kasalukuyang nararanasan ng bansa ngayon dahil pagtatayo ng Kaliwa Dam na siyang magsusuplay sa kakulangan ng bansa sa tubig lalo na sa mga lugar sa parteng norte. Malaki ang sakop nito at damay narin dito ang Bulubundukin ng Sierra Madre kung saan, sinasabi sa mga kasaysayan, ang siyang nagiging haligi ng bansa labas sa mga unos at bagyo na tatama sa bansa. Pero dahil sa gagawing Kaliwa Dam sa bansa, maaapektuhan itong bulubundukiin na ito na matagal nang iniingatan ng mga katutubo duon at ng ilan sa mga tao sa bansa dahil nagsisilbi itong "shield" sa Dagat Pasipiko. Hindi lamang ang likas yaman at usapin ng heograpiya ang maaapektuhan dito kundi rin ang klima na ang magiging resulta ay hindi magiging balanse ang epekto ng klima sa ating bansa. Maaaring ito ay maging masama para satin lalong lalo na sa ating kalikasan at bansa.


May mga salik kasi na maaapektuhan kung sakaling ito ay magawa. Oo nga't masusustentuhan ang mga pangangailangan ng bansa sa kakulangan ng suplay ng tubig pero mas malaking kawalan sa bansa kung ipagpapatuloy ito. Tulad na lamang ng pagkawala ng mga "Indegenous People" or IP sa lugar na sasakupin ng proyektong ito. Ang mga IP ang dahilan kung bakit nananatiling maayos at malinis ang lugar na ito. Isa rin ang mga ilog at mga natural na suplay ng mga kabuhayan ng mga tao doon ay mawawala at masisira ang mga likas na yaman na siyang natural na pinagkukunan ng mga karamihan sa bansa. Hindi rin alintana na ang lugar na ito ang isa sa mga trademark ng isang bansang maganda at maayos. Pero dahil sa kagustuhan ng gobyerno na makiayon sa modernisasyon ng buong mundo, nais nilang sirain ang tanging yaman upang solusyonan ang ilang bagay na kailangan ng bansa, at ang hindi pagtingin sa alternatibong paraan kung saan masusustentuhan pero hindi makakadamay ng ilang maalking baagy at importante para sa ating bansa. 


Lalong lumalala ang ganitong isyu dahil sa pagiging sarado ng mga kasisipan ng mga nakakataas at nang may kapangyarihan. Ano pa't nagkaroon ng demokrasya sa bansa kung ang mga mamayanan sa atin ay tinananggalan ng boses o di kaya'y hindi pinaparinggan. Isang Bulag, Pipi at Bingi ang sistema ng gobyerno sa bansa, na ang tanging kaisipan ay maging maunlad ang bansa. Pero paano magiging maunlad ang bansa kung isa-isa nilang pinapatay ang importanteng bagay sa bansa? Bilang isang mamamayan, tinananggalan man tayo ng kapangyarihan sa sarili nating bansa, kung magsasama-sama ang mga tao para labanan ito, magagawa nating pigilan ito upang mapahalagahan at ingatan ang likas-yaman nating magtatakda sa atin upang kilalanin sa buong mundo.

Comments

Popular posts from this blog

K TO 12: TAMA BA O ISANG KAMALIAN?

HATOL: Maling Paghatol sa Isang Ordinaryong Tao