MATA, MASYADONG MAKASALANAN


Karapatan.
Isang bagay na pinagkakait sa kanila.
Isang bagay na hindi nila makamtam.
Isang bagay na nais nila, para sa kanila.
Pero dahil sa mga mata, silang baliwala.

Kutya.
Lagi nilang nararanasan.
Mapanghusgang lipunan.
Mapangmatang mga nilalang.
Akala mo'y isang basura sa lipunan.

Pagkakaiba.
Sa mundong mapanghamon,
Sa mundong maramot,
Sila ay tatayo.
Maninindigan, laban sa karapatang gusto.

Bilid.
Ako ma'y bilid sa kanila.
Sa lakas nilang lumaban.
Daig ang ibang taong walang karamdaman.
Singlakas ng bakal ang kamao sa paglaban.

Saludo.
Mataas ang aking respeto.
Saludo sa lakas ng loob.
Masaya sa kanilang pag-ahon.
Kahit pa'y napapaligiran ng masasamang tao.
Mapanghusgang mata ng tao.

Comments

Popular posts from this blog

K TO 12: TAMA BA O ISANG KAMALIAN?

HATOL: Maling Paghatol sa Isang Ordinaryong Tao

Kaliwa Dam: Dahilan Para Mawala ang Tanging Yaman ng Bansa