MLYKngMKPgRL! (Malaya Kang Makapag-Aral)
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhqQ0oNH-mJxuHSOAQJldNxh_geFYBJaDPybTefvYLZmDUQ3kOI_lK2gPEl7dLQoYYRBEFOBfJEutcncObHI_9TxruVIBvly57XGFhfeh43_L2lMANt67-uoOl-rAS-t2cubNgemxYaMMM/s1600/1576644955225853-0.png)
Kasabay ng mga bituin sa langit, Kasabay ng pag-agos ng tubig sa batis, Kasabay ng takbo ng ideya sa isip, Ay singbilis din ng panahon kung dumating sa atin. "Ay tutulad ka sa kapatid mong isa, di nakapagtapos." "Magiging bulakbol din ito pag laki." "Ahh nahawaan ng kapatid 'yan, tignan mo di makakapagtapos 'yan." Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko tuwing pupunta kami sa probinsya namin sa Baguio kasama ang pamilya ko. Lagi iyan ang napag-uusapan nila kapag ako ang nasa isip nila at ako ang nakita nilang pwedeng pag-usapan. Wala na silang bukambibig kundi ang kesyo di makakatapos, bulakbol, tarantado, walang mararating sa buhay. Simula palang nuong pagtungtong ko noong Junior High School, diyan na sila nagsimula maghasik ng maling tingin sa aking hinaharap. Ni hindi ko pa nga alam ang Algebra kasi di ko pa nadadaanan, alam na nila kaagad ang future ko? Magic! Pero, sa kabila noon, lagi akong kinakausap ni Mama at ni Papa tungkol sa...